cuddlytedi: (Default)
cuddlytedi ([personal profile] cuddlytedi) wrote2015-08-05 10:07 am

AISLE

(sa ganitong situation anu nga ba ang magandang happy ending??!!!., )

…. huli na ba para aminin sa kanya na minahal at mahal ko rin sya., pero pano ko ma-aatim sirain ang pinakamasayang araw ng babaeng sobra syang minamahal., at sirain nya ang pangako nya sa babaeng naroroon nung mga panahon natakot akong ipadama ang pag-ibig na alam kong hinihintay nyang aminin ko.,

…. anung gagawin ko., tuparin ang pangarap ng babaeng alam kong mahal na mahal ako., habang alam ko na yung taong sinisigaw ng puso ko eh luluha ng palihim., o sundin ang puso ko at saktan ang puso ng taong laging nandyan para sa akin at walang ibang ginawa kungdi mahalin ako.,

…. pinangako ko na lahat ng ikasasaya mo ay susubukan kong gawin para sayo., pero pano kung yung saya na hinahanap mo ay hindi ito., hindi ako na naglalakad patungo sayo., kungdi ang babaeng naka-upo sa bandang likuran., ma-ibibigay ko ba sayo ang kasiyahan nyo sa araw na buong buhay kong pinangarap??.,

bawat hakbang nya patungo sayo eh parang dinudurog ang puso ko., dahan dahan tumutulo rin ang luha ko sa bawat hakbang., unti unti at sa ilang saglit eh mawawala ka na sa akin.,

…. alam ko kinakabahan syang naglalalakad papalapit sa akin., pinilit ngumiti., alam ko na kilala nya yung babaeng nasa likod., kahit may takip na belo ang mukha nya eh matatanaw mo ang halong takot at pangamba sa mga mata nya., kinakakabahan sa kung anung iniisip ko., at yung babae sa likuran kahit ikubli pa nya eh alam ko palihim syang lumuluha., at alam ko di dahil sa saya na ikakasal na ang bestfriend nya.,

… kakayanin ko pa ba humakbang patungo sa kanya., ngayon alam ko kung anung iniisip nya kahit ngumingiti sya sa akin para pakalmahin ang kabang nararamdaman ko., yung babaeng nasa likod alam ko palihim syang lumuluha sa araw na pinangarap ko., kakayanin ko bang maging masaya habang ang taong sa harapan na syang pinakamamahal ko at ang babaeng nasa likod na pinakamamahal nya eh habang buhay masasaktan??!!!

ilan hakbang na lang magsisimula na ang buhay nilang magkasama at ilang sandali na lang eh tuluyan na sya mawawala sa buhay ko., mawawalan na ng karapatan sa buhay nya at buhay nilang dalawa.,

sandali na lang kailangan ko na mamili kung kaninong pangarap ang tutuparin ko., ang nag-iisang pangarap ng taong nagmamahal sa akin o magbaka sakali sa taong mahal ko pero di kayang sabihin na gusto nya ko hanggang sa pinakahuling sandali.,

… malapit na., hahayaan ko bang mahirapan syang mahirapan sa situation na ito??!!., anung gagawin ko., hayaan syang tuparin nya ang pangako nya sa akin., o ipa-ubaya ang kaisa-isang kaligayahan ko para sa kaligayahan  nya at nilang dalawa., gusto kong maging madamot sa mga sandaling ito.,isipin ang sarili kong kaligayahan pero makakaya ko bang gawin yun??!!., magiging masaya ba ko kung ang kaligayahan ko ang syang hahadlang sa kaligayahan nya??!!.,


Post a comment in response:

This account has disabled anonymous posting.
If you don't have an account you can create one now.
HTML doesn't work in the subject.
More info about formatting