Feb. 16th, 2019

PIRASO

Feb. 16th, 2019 11:38 am
cuddlytedi: (Default)

... mahal ka rin naman kaso wala lang syang choice kungdi pakawalan ka nya.,

alam ko lahat tayo ay hinahanap yung kalahati ng puso natin., yung kalahati
na bubuo sa atin., pero nung sinaboy ba sa mundo yung kalahati ng puso nya
eh nahalo ba sa mga piraso ng puso ko, kaya ganito ang kwento namin????!!!.,

mas maraming parte ba ng puso nya ang nakuha ng iba kaya ako ang pinakawalan??!!.,
kung di para sa akin ang piraso ng puso nya eh bakit parang may kulang nung
nawala sya????!!.,

nahuli ba kong dumating o di lang sya nakapaghintay kaya di naging kame.,
o kahit ba dumating ako kasabay ng taong yun eh mas lamang pa rin ba sya
kaysa sa akin???!!!.,

mga tanong gustong tanunging ng puso ko sa kanya habang dahan dahan nyang
pinapakawalan ang mga kamay ko.,

mga tanong na di masabi ng mga labi ko kaya sa mga luha na lang sa mga mata
ko lumalabas.,

mahal ka rin naman., mahal ka rin naman., dapat ko ba ikatuwa ang mga linya
yun., assurance na somehow totoo ang feelings nya sayo., pagpalubangloob na
di ka lang nya pinaglaruan., na meron naman kung di lang., kung di lang may iba.,



cuddlytedi: (Default)


"... ayoko na., sobrang sakit na., nakakapagod na" tanging salitang kayang sabihin ng puso nya habang humihikbi sa tabi ko habang hawak ko ang mga kamay nya.,

"... siguro ganito ang pakiramdam mo nun noh??!!., noong minamahal mo ko ng palihim., tanga ko kase., di kita nakita sa ganun level., sorry ha., karma ko na siguro to., maranasan ang pinaranas ko sayo nun.,"

" ...kasalanan ko rin naman., di ko pina-abot yung sarili ko sa level na ma-realize mo ang posibilidad natin dalawa., na pwede ako., nakontento na sa kung anu tayo.," pampalubang loob ng puso kong nasasaktan din habang hinhipitan ang hawak sa kamay nya.,
 

".. pano kaya noh... pano kung naging tayo????!!!., mga salitang nagpa-isip sa akin., at aaminin ko  medyo nagpabilis ng pintig ng puso ko na minsan ay  umaasa na sana .,

pano kaya kung naging kame., naging sya at ako., ako bilang parte ng "kame" nya., di ako bilang bestfriend nya.,


kung naging kame., pano ba kung kame., pano nga ba??!!!.,

siguro di sya umiiyak ng ganyan., siguro di lang sa malulungkot na panahon ko mahahawakan ang mga kamay nya., na kahit sa masasayang panahon eh hawak namin ang kamay ng isat isa.,

palagi siguro sya nakahiga sa balikat ko., hinahabi ng sabay ang bukas na pinapangarap namin maging ngayon., di lang sa mga panahon tulad nito., mga panahon pagod na sya sa buhay.,

pano nga kaya???!!!!.,

ngiti siguro nya ang bubungat sa mga umaga ko., hindi tulad nito., mga hikbi nya ang baon ng puso ko sa pag-iglip.,

yakap na puno ng pagmamahal at lambing siguro ang binibigay namin sa isat isa., di lang akbay na pampagaan ng loob na puno lang ng salitang "kaya mo yan" inbis na "mahal na mahal kita".,

pano nga kaya???!!!!.,  mga kathang isip  na hinahabi ng utak ko habang hawak ng mahigpit ang mga kamay nya sa tabi ko.,

"... kamusta na kayo??!!., masaya ka na ba??!!!!., napawi na ba nya yung lungkot na dinulot ko noon???!!., napunan na ba nya yung lugar na sana ay ako??!!!!., "., mga tanong na di ko inaasahan mula sa kanya., mga tanong na nagpabalik sa akin sa realidad namin dalawa., realidad na saglit kong naligtaan.,

oo nga pala mayroon nga palang "SIYA" sa aming dalawa., "SIYA" na di tumutukoy sa kanya na best friend ko., ibang "SIYA"., sya na nakasama ko sa panahong tulad nito., "SiYA"  na minsan iniyakan ko ng tulad nito dahil sa kanya.,

"SIYA " na laging hawak ang kamay ko., sa lungkot man o saya.,

"SIYA" na laging nandyan ang balikat para sa akin., sa paghawi man ng pagod ko., o paghabi man ng mga pangarap namin dalawa.,

"SIYA" na nagmamay-ari na ng mga ngiti ko., nagpapawi ng mga hikbing pilit tinatago sa pag-iglip.,

"SIYA" na handa akong yakapin  ng buong pagmamahal at paglalambing kalakip ng mga salitang "Mahal na Mahal Kita".,

"... ang swerte mo noh., may "SIYA" sa buhay mo., sana mahanap ko na rin ang "SIYA" na para sa akin"., mga salitang binibigkas nya ng puno ng sakit  habang unti unting pinakakawalan ng kamay ko ang kamay nya.,

Profile

cuddlytedi: (Default)cuddlytedi

August 2024

S M T W T F S
    123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Page Summary

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 6th, 2025 07:24 pm
Powered by Dreamwidth Studios