
Wala talaga akong balak mahulog sau., nung mga panahon na yun di ako naghahanap ng taong mamahalin., tanggap ko na kung ano man ang inakala kong path na para sa akin., ang maging option at substitute lang ng taong unang nagparamdam sa akin na I worth something at inakala kong tanging taong magmamahal sa akin.,
Alam ko naman na pagpasok ko sa mundo nyo may magbabago sa mundo ko., hindi ko sinadyang mahulog sau., hindi ko rin ninais na maging stalker mo., pero nung araw na yun., di ko na napigilan at namalayan na nahuhulog na pala ang puso ko.,
Inakala ko nung na di na ko magmamahal muli., na sumuko na ang puso ko., masaya na sya sa pagiging marionette ni puppet master., na mananatili na lang ako sa closet na pinag-iwanan sa akin.,
Till that day., na nakita kita., my heart seen a glimpse of light again.,
Ewan ko ba naaliw ako sau., naaliw ako sa tawa mo., sarcastic pero ewan ko ba di ako nairita kahit alam ko ako ang pinagtatawanan mo nun., di ko nagawang magtaray., pinagmasdan lang kita tumawa.,
Na aliw lang siguro ko sa tawa mo., siguro naalala ko yun dating ako.,yung ako na masayahin., ibang iba sa ako nung mga oras na yun., yung yung sinabi ko sa sarili ko ., jinustify ko kung bakit ako na aliw sau.,
Basta alam ko lang masaya ako nung araw na yun., siguro nga may naramdaman na ang puso ko na ayaw ko pa aminin sa sarili ko., nahulog na ko sa tawa mo.,
Sana minsan hinihiling ko sana di mo nalang ako binati nung nakasalubong kita., pero yung din naman ang pinaka masayang araw ng buhay ko., para akong nasa high skul., pakiramdam ko lumilipad ako sa langit nung mga oras na yun.,
“Binati nya ko., sya ang unang bumati sa akin”., masayang masaya ang puso ko nun., kahit nga makulimlim sa labas pakiramdam ko sumikat yung araw., tinext ko lahat ng kakilala ko sinabi kung gano ako kasaya ng mga oras na yun., para akong bata.,
Tuwing nandiyan ako., gustong gusto ko laging dumaan dyan sa room nyo., parang my heart is searching for something.,a particular smile., a friendly face.,
Di naman ako papansin pero ewan sau feeling ko papansin ako., kahit gano ka badtrip ang araw ko pag nakita na kita masaya na ko.,
You become my source of happiness.,
Siguro nung mga panahon na yun nabuhay na ang stalker part ng personality ko.,
Once a week., inaabangan kitang dumaan bago ako pumasok., kahit pa malate ako., Makita lang kita masaya na ko.,bago ko umuwi dumadaan ako sa room nyo ., Makita lang kita., minsan nga kahit wala akong pasok eh nag LRT pa rin ako matanaw ko lang room nyo., ka-adikan diba., alam ko naman., yung di naman ang sabi nilang lahat., Pero ano magagawa ko.,masaya ako sa little things na yun., seeing you is enough to brighten up my gloomy life.
Nung minsan pinagbuksan mo ko ng pinto dahil nakita mo marami akong dala at inakala mo na di ko kayang buksan., alam mo lalo yata ako na in-love sayo., bakit???., kase alam ko naman na di mo madalas ginagawa sa iba yung., seeing gano ka nahirapan kase mabigat masyado ang pinto nyo., somehow the feelingera in me felt special., yung tipong lumabas ako sa nakangiti at ang sinasabi ng puso ko eh., “gosh nag effort syang buksan ang pinto for me., ako lang ang pinagbuksan nya ng pinto”., pero minsan talaga may pagka-kontabida at kill joy ang utak ko., pilit sinasabi na “sira napilitan lang yun., para di mo mahalata kung anu sya., syempre cliente ka kaya mabait sya syo”.,
Minsan talaga ang hirap pag nagtatalo yung gusto mong paniwalaan at yung obvious., yung malilit na bagay nagiging big deal., yung wala lang sa iba sayo nagkaka meaning lahat.,
Dahan-dahan., unti unti., at di ko namamalayan eh di na aliw ang nadadama ko for you., infatuation., crush., o na-i-in-love na ba ko sayo., nahulog sa mga little things na ginagawa mo., is it the little things that I have fallen in loved with or is it the “you” itself that I fallen in loved with???!!.,
Sa lahat ng nagustuhan ko alam mo ba na ikaw lang ang pinag-abalahan kong isipan at bigyan ng Christmas gift., oo nagbibigay naman talaga ako ng gifts to friends and officemates pag tinopak ako., pero ibang level ka.,
“Anu bang gift ang pwedeng ibigay sayo na di obvious???., yung tipong di mo mahahalata na kaya kita bibigyan eh dahil gusto kita??!!!”., eto yung iniisip ko nung mga panahon na yun.,
Imagine 31st ng December eh nasa mall ako at naghahanap ng gift for you., na-ikot ko na yata lahat ng sulok ng mall., sa kakahanap ko eh I ended up buying two pen., eh bakit dalawa??!!., kase na-isip ko kung ikaw lang ang bibigyan ko eh sobrang obvious naman., kaya I also bought one sa kasama mo sa room., sabi ng sales lady eh pwede ko raw i-pa-engraved name ng person na bibigyan ko., nung panahong na yung it was not a bad gift choice., kaso mas lalo yata ako napahamak ng idea na yun.,
Yung gift mo eh hanggang sa “Jr” ng name mo eh alam ko., samantala yung kasama mo na kahit sya ang una kong nakilala at madalas kausap dyan sa office nyo eh di ko alam ang totoong pangalan., so I ended up giving that person an engraved card kasama ng pen., and saying to myself “Bahala sya magpa-engraved ng sarili nyang name”.,
Nung kinuwento ko to sa friend ko eh., sobrang dami ng tawa., sabi sira raw ako at obvious masyado kung kanino ako interesado., na-isip ko na rin yun., kaso wala akong magawa nandun na eh.,
Selecting the gift wrap was as hard as finding the gift., anung kulay ba ang bagay sayo., kung alam mo lang kung gano kong gustong piliin ang color pink kaso napigilan lang ako., kase baka ma-obvious na feeling ko nun pa eh gay ka na., so I settled with green., thinking na it’s the safest and neutral color.,
Kung alam mo lang ang kaba ko nung araw nay un., hanggang sa huli nagtatalo utak ko kung ibibigay ko pa ba sayo yung gift ko o di na., tinext ko pa nga yung friend ko for support., di ko makakalimutan yung sagot nya sa akin., aanuhin ko raw yang gift na yan kung di ko ibibigay??., at may pangalan mo na yan kaya sayo na yan., ibigay ko na raw sayo.,
Oo nga naman may punto sya dun., saka kaya ko nga binili yun eh para ibigay sayo.,
Kahit sobrang kaba ko at nanginginig buong katawan ko sa nerbyos eh inabot ko sa inyo gift ko., ewan ko ba imbis na kayo ma-surprise eh ako pa yata ang muntik himatayin sa sinabi mo.,
“Kaloka naman tong”., ewan ko ba nung mga panahon yun unti unti na yata nag-sisink in kung anu ka talaga., pero ewan ko ba sa sarili ko at binabalewala ko na yung point na yun ., na parang di na sya importante sa akin.,
Pero may pagka-isat kalahati talaga ko., of all the colors naman na pwede kong suotin ng araw na yun eh bakit ba green ang na-isipan ko., tuloy inakala mo na green ang fave color ko kase damit at wrapper ko ay halos same shades., ewan ko ba mula nung araw na yun eh pinanindigan ko na na yun nga ang fave color ko.,
Yung totoo nung araw na yun eh umasa ako., at hanggang ngayon eh umaasa pa rin sa sinabi ng kasama mo., na next time babawi kayo sa gift ko., di naman talaga ako umaasa na suklian yun gift ko nun una., pero a part of me wanted to expect for that promise.,
Pag may magtatanong sa akin kung anu ang pinaka-masaya kong Valentines ., eh isa lang ang isasagot ko., that pre- Valentine moment/ experience you un-intentionally gave me., yung araw na kumanta kayo ng kasama mo., sa totoo lang kinilig kaya ako., kaso pina-iral ko nanaman ang kamalditahan ko at sinabi na “anu to jukebox???”., kaya tumahimik kayong dalawa.,
Pero yung totoo hinanap ko talaga title nung song na yun., pa-ulit ulit ko kaya pinapakinggan., LSS ang effect ., to be honest ‘til now pag namimiss kita eh pinapakingan ko pa rin., pero minsan I end up crying again., kase sobrang naglolong ako sayo.,
Alam ko na fave singer mo si Regine., kaya siguro yung song nya ang kinata mo., yung totoo umabot ako sa point na di na ko nakikinig masyado sa songs nya kase maslalo kitang namimiss., pag naririnig ko songs nya kaw na ang na-aalala ko., di ba sakit lang.,
Siguro nga feelingera lang talaga ako., sobrang binibigyan ng meaning ang lahat ng bagay., dahil gusto ko paniwalain ang sarili ko na may possibility., na sana possible., na kahit maliit eh may chance.,
Kahit minsan lalo na ko nagmumukhang pathetic eh., minsan kasalanan mo rin naman kase., ginagawa at sinasabi ang mga bagay na nagpapa-asa sa pala-asang ako.,
Bakit mo ba tinanung kung bakit wala ako sa isang event dyan nagkataon pang araw birthday week mo., masisi mo ba ako kung maging loka loka ako sa kaiisip kung bakit mo ko hinahanap., akalain na di kaya balak mo ko ilibre nung., manghinayang kung bakit di ako nagpunta nun., bakit ba wala akong klase nun., what would have happened??.,
Pero alam mo., panira din nag illusion tong mg aka-opisina ko., kaya raw mo ko hinanap eh nag-roll call raw kayo at ako lang ang absent., masyadong feelingera talaga ko.,
Pero yung totoo bakit mo ba ko hinanap nun??!!., hanggang ngayon tanung pa rin., at di na yata masasagot.,
Alam mo ba minsan sinusumpa ko pagiging stalker at maurilat ko., dahil kahit walang basehan eh nag-iisip ako ng kung anu anu., nung nakita ko yun singsing na suot mo at picture ng isang girl na kasama mo., eh iniyakan ko talaga., nagfeeling na kayo., kayo nga ba talaga??!!., Sana hindi.,
Sobrang sakit nang naramdaman ko nun., pauwi akong umiiyak at kinukwento sa isang friend yung nakita ko.,
Inisip na anu ba gusto ko., eh kung lalaki nga sya at may girlfriend o asawa., eh anu ngayon., gay man sya o lalaki di ka parin nya magugustuhan., that doesn’t change kung ano ka ba sa buhay nya.,
Nung tinangal mo ko sa friend list mo sa Friendster., I admit na lungkot ako., pero naramdaman ko na na ito na yung simula ng unti unting paglayo ng mundo mo sa akin., masyado na ba ang pagiging stalker ko at na-aapektuhan na mundo mo???!!.,
Nahiya na rin ako magpakita sayo., kahit patuloy pa rin ang pagtanaw ko sayo., eh di na ko masyado pumupunta sa inyo., feeling ko alam mo na kung anu talaga nararamdaman ko., at alam mo na na gay ang tiningin ko sayo., at totoo man o hindi eh gusto pa rin kita.,
Lalong dumalang ang pagpunta ko dyan., dahil sa mga field works kong dumadalas., lalo kitang na miss., parang sinisimula na ipadama sa akin ng tadhana na babawiin na nya yung pinahiram nya sa akin.,
Minsan na-isipan kong pasalubungan kayo., alam mo ba nahirapan akong isipin kung anung size mo??., kaya small na lang ang binili ko., pero lately ko lang nalaman na masikip pala sayo yun., dahil sa kasama mo., nung sinukat mo raw eh sobrang fit., inaasar pa nya ko na gusto mo naman talaga ng fit., I can help but imagine your face., siguro sobrang irita mo sa akin., at akala pinagtritripan kita.,
Yung taong pina-abot ko ng pasalubong ko sayo siguro nahalata na rin nya., kase tinanung nya ko kung gusto raw ba kita., hanggang kaya ko eh dinenay ko pa rin., obvious raw masyado kase lagi ako dumadaan sa floor nyo eh sa babang floor raw klase ko., lagi raw ako nakikita ng kaklase naming., pero sa tingin ko nung kayo ang nakahalata at nagpapatanung., diba., feelingera pa rin sa huli.,
Lalo tuloy ako nahiya., hahaha., halatang halata talaga.,
Umalis na yung kasama mo dyan., mas lalo ako nawalan ng excuse na pumunta at silipin ka., ewan ko feeling ko sya ang paraan ko para makausap ka., di na rin ako nag enroll ., kase kailangan kong magtraining for 6 months sa ibang school., at kaw na ang ma-double whammy eh gaganahan ko pa ba??.,
Days and months passed., ewan ko ba di ba dapat mawala na ang longing ko for you kase di na kita nakikita???., pero di pa rin namiss pa yata kitang lalo.,
Siguro naman natanggap mo yung regalo ko sayo nung birthday mo??., tulad ng Christmas gift ko dati sayo., ilang libong beses ko inisip kung bibigyan ba kita o hindi., never ako nagbigay ng b-day gift kahit kanino., sayo ko lang yata ginawa yun.,
Akalain mo halos nalibot naming ni friend ang U-belt para maghanap ng bakeshop na nagdedeliver ng walang returning address., at yung isang gift eh di ko alam kung pano ko i-eexplain sa nanay ko kung magtanong sya kung para kanino yun gift., anung sasabihin ko??!!., “para sa taong mahal na mahal ko na di naman alam na gusto ko sya”., awa ng diyos di naman sya nagtanong., di nga ko sure kung makukuha mo yun kase ni LBC ayaw pumayag na walang returning address., haayyy., buti nalang nandun yung mabait kong classmate na nag-abot sayo ngung gift ko.,
Forever asar talo kaya ako., sabi ng ilang friends eh malaman yung gift ko eh lumulutang na sa Pasig river kase tinapon mo raw., hehehe., ang hirap talaga kung forever one-sided love ang lovelife na binibigay sayo.,
Yung totoo natatakot din ako sa mga pinagagawa ko., di ko rin inakalang kaya kong maging ganun., minsan nga iniisip ko pano nga kung binigyan mo ko ng pagkakataon., hanggang saan ba ang kaya kong gawin., intindihin., tanggapin., kung ngayon palang eh para na kong lokaloka sa mga pinaggagawa ko., kakyanin ko ba lahat., di ba ako lugi pagnagkataon???!!.,
Pero eto lang ang sinasabi ng sarili ko sa huli., di ko to ginagawa para sayo., ginagawa ko to para sa sarili ko., masaya akong gawin to., ma-appreciate mo man ako o hindi ang importante na-satisfy ko ang longing kong gawin yun., urge to do something for you.,
To love in spite and despite of., ganun siguro ako ma-in-love., pero di ko akalain ganito at higit pa ang kaya kong gawin for a certain person., sa totoo lang ayaw ko malaman ng crush ko na gusto ko sya., pero pag dating sayo sinasabi kong ayaw ko malaman mo., pero nahuhuli naman ako dahil sa mga pinaggagawa ko.,
Minsan may nagtrip sa akin sabi ikaw raw yung., kahit alam kong hindi dahil alam ko naman number mo., pano??!!!., di ba number 1 stalker mo nga ako di lang ako magkalakas na loob i-text ka., pero ina-amin ko umasa rin ako na ikaw nga yun nagpalit ka lang ng number., pala-asa talaga ko at feelingera pa.,
May times na palabiro din talaga si Lord at pinagtritripan din ako., nung time na minassage ako ng kasama mo na i-text raw kita para mag-online na para mag-usap kayo., at binigay nya number mo., di ba pagkakataon na para maging ka-textmate kita., pero bakit after magreply ka ng thank you eh wala na kong masagot., sana ni-replyan man lang kita ng welcome., o di kaya nag-sent ng quotes., ewan ko ba bakit na hiya ako., inis na inis ako sa sarili ko kase pinakawalan ko yung chance., chance that could change my today., hanggang salita lang ba tapang ko., pagdumating na yung mga chances eh naduduwag ako at di ko gina-grab???!!!., umiyak kaya ako dahil sa kaduwagan ko.,
Kung gano rin ako ka-duwag eh ganun din ako kasinungalin sa nararamdaman ko., nung tinanung ako nung kasama mo kung gusto kita eh at nang-iinis nang mga scenario if ever kinasal tayo kung sino raw naka-gown sa akin eh nag-deny pa ko at di na sya pinansin at sinabi busy ako.,
Mula nun di na nya ko kinausap., tanga ko talaga tinarayan ko pa yung ka-isa isang link ko sayo., haayyy., tuluyan ka na nga nawala sa akin., dapat di ba sumuko na ko., pero stubborn talaga ang puso ko., pilit pa rin umaasa ng mabuksan yang pinto ng puso mo., umaasa na kahit sana friendship lang eh ok na sa akin yun., kahit gano ka-wala nang pag-asa eh naghihintay pa rin., kahit di na nga sinasagot kahit simpleng friend request eh umaasa pa rin sa something.,
Ayaw nga ba kita mawala., kase ikaw yung nagligtas sa akin sa nakaraan., sa akong ayaw kong maging., o dahil mahal talaga kita kaya ganito ako.,
I wanted you to be happy., at alam ko rin naman hindi ako yung happiness na para sayo., pero bakit ba umaasa pa rin ang puso ko., ilang beses ko na sinabi na I will let go of this one-sided love., kaso laging nakiki-usap ang puso ko na kung pwede ba mahalin kita hanggan makahanap ako ng iba???!!.,
Pero pano nga ba ko makakahanap at makakakita ng iba kung laging bumabalik pa rin ang puso ko sa mga panahon nung kasama pa kita., sa mga panahong nakilala kita., sa mga panahong masaya ako., masayang nagmamahal sayo.,
May taong pa bang hihigit sayo???!!., magagawa ko pa ba sa ibang tao ang kabaliwang ginawa at naramdaman ko sayo nun???!!.,
Minsan sinasabi ko sa sarili ko ang bait mo kase kahit nalaman mong gusto kita eh di mo ko pinahiya at di ka naki-ride on sa kagagahan ko., pero minsan yung kindness na yun nagiging rudeness., kase dahil dun nahihirapan ako dahil a part of me ay umaasa., sana binasted mo nalang ako., sinabing hihinto ko na to., walang papatunguhan.,
Pero siguro nga parehas tayo mag-isip., inakala na someday magfafade din ang nararamdaman ko., dadating din yung time na di na kita mamahalin., di na ko aasa., mapapagod din ako.,
Pero bakit kahit ilang taong na lumipas eh di pa rin dumarating yung panahon iyon??!!., pano nga ba pakakawalan ang sunshine na nagbigay ng kulay at liwanag sa marionette na nakulong sa madilim na closet.,
O sadyang ayaw ko lang pakawalan yung mga panahong naging masaya ko., kase natatakot ako mabuhay ulit sa kadiliman ng lugar kung saan ako nakakulong., aminin ko man sa hindi siguro nga kailangan ko pa yung liwanag na binibigay mo., kaya kahit wala na eh pinipilit ko parin balikan., hawakan ang liwanag na dumaan sa buhay ko.,
Kahit na sad ending., at walang pinatunguan ang love story na wineave ko at pinangarap maging realidad., eh nagpapasamat pa rin ako na minsan sa buhay ng marionette na to eh may tulad mo na nagpasaya at nagpaliwanag sa daan ng naliligaw at nakataling marionette na tulad ko.,
Hindi hindi ka kailanman makakalimutan ng puso ko., susubukan kong di na umasa., will try to move on and let go of you as promised., pero alam ko minsan babalikan pa rin ang mga panahon iyon., pero this time alam ko di na ko iiyak sa sakit., at di dahil namimiss kita., will now smile with a bit teary eyes., coz this heart is grateful that God sent me an unexpected gift called you.,
I love and loved you., and forever be grateful.,