![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
... sa dami dami ng tao sa mundo., pano mo malalaman kung sino ang para sayo., sya ba yung past na nawala na sa buhay mo pero umaasa ka pa rin maging bahagi ng present at future mo., sya ba si present na nagpapakilig sayo ngayon na hinihintay mong magkalakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman nya., o ang future na di pa dumarating pero alam mo sa puso mo na darating kaya di ka pa rin napapagod sa kaaasa at kahihintay., kahit sa tingin ng iba eh wala ka naman dapat hintayin.,
sa ilang taon mong naglalakbay sa mundo., ilang libong tao nakasalubong at naging parte ng buhay mo., eh bakit ba ang hirap hanapin yung dulo ng "Red String of Fate" na nakalaan sayo., bakit ba para sa iba eh napakadali nilang nahanap yun., minsan di mo tuloy masisi sarili mong magduda kung meron nga bang nakalaan sayo.,
pero kung wala naman eh bakit patuloy ka pa rin umaasa na balang araw matutupad rin ang matagal mo nang pinapangarap.,na balang araw darating din yung taong yun., yung taong pinapangarap mo., yung kwentong hinahabi mo sa utak mo.,
pano mo ba malalaman kung sya na yun., na kayo yung nakalaan sa isat isa., will that person swept you off your feet.,will that person shine brightly., yung tipong sa lahat ng tao nag-glo-glow sya., or from a simple nobody he will become a precious special one for you.,
of all the dreams you weaved ., of all the him you hoped for., of all the senarios that you dreamed of., eh isa kaya dun ang para sayo., isa kaya dun ang magiging kwento nyo??!!!.,
gano katagal ka ba maghihintay kung di mo nga alam kung anu ang hinihintay mo., pero kung wala naman eh bakit a part of you is still willing to wait., kailan nga ba talaga ang tamang panahon para sabihin sa puso mo na "tama na., hinto ka na., mapagod ka na., suko ka na"., pano kung kailang sumuko ka na sa pagmamahal eh dumating sya., mababago pa ba nya ang desisyon mo., mababawi pa ba nya ang desisyon mo??!!., kaya pa ba nya????!!.,
at pano kung may dumating nga., pero pano kung di sya yung taong inaasahan mo., pano kung yung kwentong nakalaan sa inyo eh di kasing ganda ng mga fairy tales na pinapangarap mo., pano kung walang happy ending at they lived happily ever after para sa inyo., susugal ka pa ba???!!!., nanaisin mo pa rin bang maranasan??!!., di ka ba magsisisi na nag risk ka???!!.,