cuddlytedi: (Default)
[personal profile] cuddlytedi
Three Colored Dots by Cuddlytedi

Red
… nung sinabi mong gusto mo yung best friend ko pakiramdam ko gumuho mundo ko., anung gagawin ko yung babaeng pinakamamahal ko eh na-in-love sa best friend ko., kahit gustuhin ko man maging hadlan sa inyong dalawa eh alam ko di na kayang baguhin pa ng pagmamahal ko sayo ang pamamahal mo sa kanya.,
Love at first sight., ganyan mo i-describe ang feelings mo sa kanya., alam ko naman kaya mo nilalapit ang mundo mo sa akin eh para lang kahit konti eh makalapit ka sa mundo nya., at kahit alam ko na ganun eh inahayaan kita., bakit??!!., siguro dahil mas ok na to at least parte ako ng buhay mo.,
Nung sinabi mong ang labo mo kase sa kina dami dami ng tao sa mundo sya pa nagustuhan mo., napapangiti lang ako., pero sinasabi ng utak ko na
“ oo ang labo mo., andito naman ako eh sya pa ang nagustuhan mo eh alam mo naman imposible., “
Pero sinabi mong na siguro nga ganun mo sya kamahal kaya kahit alam mo na ganun ang situasyon nyo eh mahal mo pa rin sya., eh gusto kong sabayan ka sa pag iyak di lang dahil nararamdaman ko yung pakiramdam mo., but much because alam ko na na malabo na mapansin pa tong puso ko.,

Pink
… nung sinabi nya na in love sya sa best friend nya pakiramdam ko gumuho ang mundo ko., anung gagawin ko yung taong mahal ko eh may gusto nang iba., pano ko papasok sa mundo nya kung umiikot ito sa isang tao., sa best friend nya., at kahit anung gawin ko eh di na kayang baguhin ng pagmamahal ko ang puso nya.,

Love at first sight., ganyan ko sya minahal., di ko alam kung bakit., at kahit medyo may hinala na ko sa kung anu sya talaga eh pinilit ko pa rin lumapit sa mundo nya., kahit alam ko naman na napipilitan lang sya na maging parte ako ng mundo nya dahil sa bestfriend nya eh ok lang., bakit??!!!., kase mas ok na yung ganito kaysa naman sa di maging parte ng buhay nya.,

Nung sinabi nya sa akin na gusto nya ang bestfriend nya at alam nyang imposible., kase alam nya di nitong kayang syang mahalin gaya ng pag mamahal nya sa kanya., pilit sinasabi ng puso ko na
“bakit di na lang ako., ako kaya kitang mahalin kahit anu ka pa., tanggap kita., at mahal na mahal kita”.,

Pero nung sinabi nya na., mula pa nung mahal na nya ang bestfriend nya mula pa nung bata pa sila., parang gusto ko na umiyak nung mga oras na yun., kase kahit anung gawin ko at kahit noon pa ko dumating sa buhay nya ay di kayang baguhin ng pagmamahal ko ang tulad nya., tulad ko rin sya., tulad kong magmahal.,

Purple
… nang dumating sya sa buhay naming dalawa alam ko na na simula na yun nang unti unting pag guho ng mundo ko., di na kailangan sabihin pa ng bestfriend ko na gusto nya sya ., alam ko na yun., nung unang beses pa lang nya makita sya eh alam ko na., mula nung alam ko na nagbago na ang lahat.,

Love at first sight yun yung naramdaman nya for her., pagmamahal na kahit imposible ay ninanais kong maramdaman din mula sa kanya., kung pano umikot ang mundo ko para sa kanya eh ganun din umiikot ang mundo nya ngayon para sa babaeng yun., at tulad ko di kayang suklian ng taong yun ang pagmamahal nya.,

Nung sinabi nyang “okay lang yung., tinamaan ako eh., malay natin mapagod din syang mahalin yung taong gusto nya at malay mo dumating na yung panahon na yung taong nasa tabi na nya ang mahalin nya”., para gusto ko nang umiyak., kase yun din yun sinasabi ng puso ko ., na sana mahalin na nya yung ako na matagal na nasa tabi nya.,

Pero kaninong puso ba ang unang mapagod???!!., ang puso nya na nagmamahal sa babaeng yun??!!., ang puso ko na naghihintay mahalin nya??!!., o ang puso ng babaeng yung na umaasang mahalin ko???!!.,








Profile

cuddlytedi: (Default)cuddlytedi

August 2024

S M T W T F S
    123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 4th, 2025 11:59 pm
Powered by Dreamwidth Studios