![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
tara., laro tayo.,
"KUNWARI"
kunwari may tayo.,
ikaw at ako.,
ako ang para sayo.,
at ikaw ang para sakin.,
kunwari walang iba.,
walang sya at yung isa.,
ang meron lang ay tayo.,
ang kunwaring tayo.,
kunwari nagmamahalan.,
ikaw at ako., ang tayo.,
mahal mo raw ako.,
kahit panggap lang.,
kunwaring laro lang sayo.,
pampalipas oras lang .,
pero pano kung sakin.,
ang kunwari ay di na kunwari.,
kunwari na di talaga kunwari.,
kunwari na ninais na sana.,
sana ay totoo na lang.,
ang laro na nasimulan.,
kunwari na tayo.,
na sana tayo.,
kunwari walang iba.,
wala naman talaga.,
kunwari nagmamahalan.,
mahal naman talaga.,
kunwari laro lang sayo.,
totoo na pala.,
tara., simulan na natin.,
simulan na ang laro.,
tara simulan na.,
ang laro na "KUNWARI".,