cuddlytedi: (Default)
[personal profile] cuddlytedi

… sa mundo ng pagkakataon at nagkataon lang., nagtagpo ang mundo naming dalawa., dalawang nilalang na perehas na naghahanap at naghihintay sa di alam kung ano, sino, saan at kailan.,

dalawang pusong pagod na pagod na at nasa punto na ng pagsuko.,  mga pusong napupuno na ng pagdududa kung “pagbibigyan pa ba o tama na??!!”.,

“… Miss (sabay abot ng panyo) wag kang mag-alala malinis yan., mukhang kailangan mo eh., “

“… hugh??!!., salamat., ikaw??!!!., mukhang kailangan mo rin., “

“… di okay lang., “

sa ganun mga salita kame nagkakilala., dito sa lugar na takbuhan ng pusong ligaw at sumusuko na sa sobrang sakit.,

sa mga panahon yun pinagtagpo kame ng pagkakataon., pinagtagpo ang dalawang nilalang na naghahanap ng pansamatalang  mahihingahan sa mga panahon nangangailangan ng malalabasan ng lungkot at sakit.,

“… personal o heart problem??!!”.,  pag-uusyosong tanong ng taong naghahanap ng dahilan maka-usap sya.,

“… ang heart problem ba ay di personal??!!!., bakit ikaw personal o heart problem din??!!., “ pangiting sagot habang  pinupunasan ang mga maluha luha nyang mga mata.,

dalawang pusong magkaiba man ang kwento pero parehas lang ng lungkot at sakit na nararamdaman., sa ganung nagsimula ang kwento naming dalawa.,  

mula sa simpleng  kahingahan ng loob noong araw na yun., hanggang sa pagiging magkaibigan nagpatuloy ang kwento naming dalawa.,  ng puso kong patuloy na nahuhulog sa kanya at ang puso nya puno ng pagdududa kung tataya pa ba sa puso kong umaasa., umaasang pagbigyan nya.,

“… alam ko hindi ako yung taong hinihintay mo., alam ko naman yun., umaasa ka pa rin sa imposibleng sya na dumating sa buhay mo., pero sana pagbigyan mo naman akong mahalin ka., mahalin ka habang wala pa sya sa buhay mo., pangako pag dumating ang panahong yun., papakawalan kita., ipapaubaya kita sa kanya., bigyan mo naman ako ng pagkakataon mahalin at alagaan ka”.,

mga salitang maluhaluhang sinasambit ko sa kanya habang hinihigpitan ang paghawak ko sa mga kamay  nya.,  mga matang di makatingin sa kanya ng derecho dahil sa kaba sa sagot na maaring marinig mula sa kanya.,

sa bawat pahapyaw na tingin eh matang lumuluha nya ang nasisilayan., matang di alam ang isasagot sa tanong binitaw ko sa kanya., oo ba o hindi., anu baa ng ang ibig sabihin ng mga luha nya.,

“… sige subukan natin., wala naman mawawala di ba??!!”.,

masalitang narinig mula sa kanya., mga salitang nagpapanatag sa puso kong di mapakali sa kung anu ang isasagot nya., mga salitang sobrang nagpasaya sa puso kong nabalot ng kaba.,

“… pangako tutuparin ko ang lahat ng sinabi ko”., sabay yakap sa kanya ng mahigpit.,

 

mga panahong nagdulot sa akin ng saya., mga panahon na akala ko di na matatapos., pero di pala.,  ang kwento naming dalawa’y darating na sa hangganan., at nga  ngayon narito nanaman kame sa lugar kung san kame unang nagkita., dito sa lugar na takbuhan ng mga pusong ligaw at sumusuko na sa sobrang sakit., sa lugar kung san kame nagsimula at ngayon ang lugar kung san kame maaari magwakas.,

“… bumalik na sya noh., kahit di mo sabihin alam ko., binabalikan ka na nya???!!., hindi na kita pahihirapan pa., tutuparin ko na ang pinangako ko sayo dati., isasauli na kita sa kanya., “.,

mga magpalayang salita na pinakawalan ng mga labi ko., mga salitang kaya lang sabihin ng puso kong punong puno ang tanong at sakit.,

“… pano na ko??!!!., kailangan ba talaga kitang pakawalan??!!!!., mahal pa kita., di ba pwede ako nalang??!!., tayo na lang??!!., sya pa rin ba??!!!!., di ba nabura ng pagmamahal ko ang mga alaala nya??!!!!., ako na lang., tayo na lang”.,

mga makaawa ng puso kong di ko kayang sabihin sa kanya., mga tanong at sakit na sa mga luha lang lumalabas., mga luhang tumutulo sa mga kamay nya na dahan dahan ko nang pinapakawalan.,

“… kailangan mo ba talaga ko pakawalan??!!!!., kailangan mo bang tuparin ang pangako mo nun??!!!., pano kung sa lahat ng pinangako mo sa akin yan ang ayaw kong tuparin mo., pano kung mahal na kita., mahal na kita., pano kung nabura na ng pagmamahal mo ang mga alaala nya??!!!., di ba pwede ikaw na lang???!!., tayo pa rin., pakakawalan mo pa rin ba ko kahit ayaw ko ng bumalik sa kanya??!!., “

mga salitang maluhang luhang sinasabi nya sa akin., mga salitang gusto ko marinig sa kanya., mga sagot sa mga tanong ng puso ko., mas salitang mas nagpabilis sa pag patak ng mga luha sa aming mga mata habang niyayakap sya ng mahigpit.,

sa hinaharap., pangako ko sa kanya na itong lugar na minsan naging takbuhan ng mga pusong ligaw at sumusuko na sa sobrang sakit., eh magiging lugar na ng saya., lugar kung saan sisimulan naming ang pangako naming sa isat isa.,  pangakong masasama sa saya at lungkot man., habang buhay sya lang at ako.,  pangakong KAME pa rin hanggan sa huli.,

Profile

cuddlytedi: (Default)cuddlytedi

August 2024

S M T W T F S
    123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 10th, 2025 10:04 pm
Powered by Dreamwidth Studios