STATUS by Cuddlytedi (raw to be edited)
Aug. 11th, 2024 10:57 am![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
… “ hanggang ngayon ba di mo rin sya nakikita??!!”.,
“sino???!!”., “
“yung RIGHT ONE mo para maging RIGHT TIME na ang mga NGAYON at BUKAS mo”.,
Conversation sa loob ng utak ko habang tinititigan sya., tanging isang “musta” lang ang kayang bangitin ng mga labi kong nanginginig di ko alam kung sa kaba ba o sa kilig.,
Ilang taon na rin ba mula nung huli kame magkita., College graduation ba??!!!., yung araw na aamin na sana ko., aaminin ang nararamdaman ko sa kanya na tinago ng matagal., pero tulad ngayon eh di ko nagawa dahil sa kaba.,
“eto ganun pa rin., tumanda lang pero ganun pa rin., hahaha”.,
Oo nga ganun pa rin sya., ganun pa rin gaya ng dati., at ganun pa rin ako at tong nararamdaman ko sa kanya ganun pa rin.,
Yung mga ngiti nya na binabalik ako sa panahon una ko syang nakita., panahong ilang dekada nang nakaraan., pero masarap at paulit ulit pa rin binabalikan ng puso ko.,
“Class alphabetical order ang cheating este seating arrangement ng class ko., go arrange yourselves kayo nang bahala., malalaki na kayo., go.,“
“ … hhmm excuse me ., ask ko lang anung Surname mo??!!!!., “
“ aahhh Santos., Patrick., Patrick Santos., ikaw???!!., “
“… Sanchez., Denise Sanchez., mukhang wala naman ibang Surname na nagsisimula sa “S” dito tayo lang., pwede…“
“… tara., sige., upo ka na dito., cheatmate este seatmate pala., hahaha., ”., sabay turo sa upuan sa tabi ko.,
Doon ko una nakita ang mga ngiti niya at mula nun eh nasanay na yata akong sya ang katabi ko., at kahit di na alphabetical ang order eh sa tabi pa rin nya ang mas pipiliin ko.,
“Kayo ba??!!!”., paulit ulit na tanong., na paulit ulit din nyang sinasagot nang “hindi”.,
Kung sa bagay hindi naman talaga., pano magiging kame kung sobrang natotorpe ang puso ko., pero pano naman hindi kame pagdududahan eh kung ang kulang na lang para maging kame ay ang tanong ko at ang sagot nya.,
“Umamin ka na ba dun sa babaeng gusto mo nun??!!., bakit nga ba di mo tinuloy ang pagliligaw sa kanya., at di mo rin sinabi sa amin kung sino sya., nagtampo kaya ako nun., ni sa akin di mo sinabi., kung di lang nakita ni_____ yung chocolate na may message., teka ni sa card nga di mo masulat yun name., teka sino nga ba yun???!!!., “
“ Aahhh yung araw na yun., wag mo na tanungin., di ko naman natuloy pagliligaw ko nun eh., natorpe ako eh., nagtampo ka ba nun???!!!., sayo naman napunta yung chocolate di ba., kaya bakit ka magtatampo???!!!!.,”
“yun nga eh pakiramdam ko nung napilitan ka lang ibigay sa akin yun kase inaasar ka nila., hahaaha., pero ok lang pabor naman sa akin., free chocolate for me., hahaha., “
Nung araw na yun kung alam lang nya na para sa kanya talaga yun., na pangalan nya talaga isusulat ko., kaso nauna kase asar ng mga kaklase naming nun kaya nagkahiyaan na., hhmmmmm nagawa ko naman ang purpose ko na ibigay sa gusto kong ligawan yun kaso sana sabay ng pag-abot eh inamin ko na rin.,
Sabay sa paghigop naming ng kape., ang panakaw kong pag tingin sa kanya.,
Anu nga ba ang nagbago sa kanya??!!., ang pananamit nya., mas daring na sya manamit ngayon kumpara dati., medyo nag mamake-up na sya ngayon at nag-aaayos ng buhok.,
“ mas maganda ka na ngayon”.,
“anung ibig mong sabihin panget ako nun., hahhaa., wag mo nang sabihin alam ko na., hahahaa”., sabay pout ng labi.,
pero aaminin ko maganda naman talaga sya kahit nun pa.,
Ganun pa rin sya., gaya pa rin ng dati., ang mga kilos nya., pano sya magsalita., ang mga mannerism nya., ang pag pout nya ng labi nya sa tuwing naiinis pag inaasar mo sya at sa tuwing may iniisip sya., ang pagtingin nya sa kawalan tuwing nagiging tahimik ang kwentuhan., sya pa rin ang dating sya., naroon pa rin ang babaeng minahal ko nun., hanggang ngayon.,
“ … ikaw ang gwapo mo pa rin”.,
“ oo na wag mo na ko bolahin., nilibre na kita ng kape kaya di mo na ko kailangan bolahin., hehehe ”.,
“di kita binobola., gwapo ka talaga”.,
Gwapo na di mo sasaguin pag nagligaw sayo., yung gwapo iba sa standards mo., yung tipong gwapo na di bagay sayo., mga salitang sinasabi ng utak ko sa twing sinasabi nyang gwapo ako.,
“ ako gwapo??!!., pero mas gwapo si ….’.,
“sino??!!!!.,yung nanligaw sa akin nun??!!!., yung kaibigan mo???!!., ewan ko sayo!!!., “
“hahaha”., Oo yung kaibigan kong nagkagusto sa kanya nun., yung kaibigan ko na binasted nya., siguro dahil dun lalo ko naduwag na ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya, kung sya nga binasted nya nun ano pa kaya ako???!!!!.,
“… ilang taon na rin di ba??!!“.,
“ang alin??!!”.,
“nung huli tayong mag-usap ng ganito., kaw kase mula nung binasted ko kaibigan mo eh nagkailangan na yata tayo”.,
“di naman sa ganun”., pero yung totoo sinusubukan ko na talaga iwasan sya., nakita ko na lalo kaibahan naming dalawa., habang lalo ko nakikita ang kawalan ng pag-asa ko sa kanya eh lalo naman nahuhulog ang puso ko sa kanya.,
“ … hhmmmm di mo nga ako chinachat sa fb., i-nadd mo nga ako pero yun lang”.,
“…hahaha”., kung alam lang nya na ako yata ang number 1 stalker nya., mas madalas ko pa nga tinitignan ang profile nya kaysa sa sariling account ko., kung alam nya lang kung gaano ko sya gustong kausapin., pero san at paano ko sisimula., siguro nga nagdadahilan ako., katorpehan kase.,
kung alam lang nya na umaasa rin ako mauna nya ko kausapin., kamustahin., para magkaroon ng dahilan para simulan ang isang conversion between us., isang “hi” o “hello” man lang., isang “uy” kaso mukhang imposible.,
imposible maging ako yung tinutukoy nya sa mga post , status at bio nya., imposibleng ako ang Right Person para sa kanya., kung alam nya na minsan nagprepretend ako na para sa akin ang mga post nya., palihim na sinasagot din ang status nya para sa taong yun.,
nakikipag laro at dare sa hangin., umaasang sana naman kahit minsan isipin nya na sya yun., at patulan ang dare at palipad hangin ko., kaso imposibleng gawin nya yun., kung alalm lang nya.,
“ … uy tara na., kanina pa tayo dito., “ pag-aaya ng labi kong wala nang masabi., pero kung pwede pang patagalin ang mga oras na kasama ko sya., itanong pa ang mga tanong ng puso ko., marinig boses nya., mga tawa nya., matitigan pa sya ng matagal.,
“… sige na nga., next time ulit pag di sinasadyang magkita ulit tayo., promise ako naman ang maglilibre sayo., hahaha.,“
mga salitang binitawan nya na nagbibigay nang ka-unting pag-asa sa puso kong nanabik at umaasang makita sya ulit.,
“… kaso mukhang matagal tagal pa ulit., matatagalan pa bago ako makaluwas ulit dito sa Manila., “
ngunit sa isang iglap na-ibalik ako sa realidad., oo nga isang pagkakataon lang ito., isang di sinasadyang pagkikita., sa Davao pala sya naka-based ngayon.,
“… oo nga matatagalan pa., kalian nga ba balik mo sa Davao??!!., “
pag-uurila ng puso kong nangungulila agad sa isasagot nya sa tanong ko.,
“Bukas na eh.,”
“sige ingat ka sa byahe mo.,”
“ingat ka rin., salamat pala sa libre”.,
sa ganung pamamaalam naghiwalay na ulit ang mga landas naming dalawa., pagtatagpong di inaasahan., na sana di na nagwakas., ngayon babalik na ako sa realidad., realidad na tangi sa mga social media account ko na lang sya makikita., babalik sa pagiging stalker nya na lihim na nagmamahal sa kanya.,
1 Notification
Denise Sanchez
December 17, 2019 Public
"... nagkita kame ulit ng Right Person para sa akin., pero di pa rin yun ang Tamang Panahon para sa amin., hhmmm kailan kaya magiging Tama ang Panahon para sa amin???!!!!!., magiging Tama pa ba ang Panahon para sa amin??!!., o sadyang hindi talaga sya ang Tamang Tao para sa akin???!!!., "
Patrick Santos reacted to Denise Sanchez Post
Denise Sanchez
December 17, 2019 Public
"... nagkita kame ulit ng Right Person para sa akin., pero di pa rin yun ang Tamang Panahon para sa amin., hhmmm kailan kaya magiging Tama ang Panahon para sa amin???!!!!!., magiging Tama pa ba ang Panahon para sa amin??!!., o sadyang hindi talaga sya ang Tamang Tao para sa akin???!!!., "
❤ Patrick Santos