... oo nandito nanaman ako., at tama ka nag-away nanaman kame ni present., sensya ka na kung ikaw nanaman ang takbuhan ko tuwing lumalabo ang relasyon ko sa mga present ko., alam ko na di na dapat ako pumupunta dito sa twing ganitong situasyon., pero anung magagawa ko., sa mga ganitong panahon., kaw pa rin ang gustong puntahan ng puso ko.,
hayaan mo na ko umupo at umiyak sa tabi mo., oo alam ko hindi na pwede., hindi pwedeng lagi akong ganito., at oo pinangako ko rin na di ko na gagawin to., pero masisisi mo ba akong mamiss ang best friend ko.,
tulad pa rin ng dati., pinagseselosan pa rin nya ang mga bagay na di nya pwedeng pagselosan.,pinagseselosan ka pa rin nya., siguro nga may dahilan kung bakit., may basehan naman siguro ang pagseselos nilang lahat sayo., malamang kasalanan ko rin., kasalanan ko kase hanggang ngayon di pa rin kita makalimutan.,alam nila na mahal pa rin kita., kahit alam naman natin na di na pwede.,
bakit naman kase tayo pa ang pinaglaruan ng tadhana., minsan talaga ang sakit maglaro ng tadhana.,it allowed us to meet., to be close., then...
lalo yata ko naiiyak., di dahil nag-away kame kundi dahil na-aalala ko yung nakaraan., nakaraan natin.,na kahit gano kong gustong ipagpatuloy eh alam ko di maaari.,
kasalanan ko rin naman eh., natakot kase akong aminin ang nararamdaman ko sayo., natakot na mawala ka., ngayon nga nawala ka na sa akin.,
sensya na ha alam ko mula pa noon eh takbuhan na kita at taga salo ng mga problema ko., sana noon imbis na problema at sakit ang shinare ko sayo eh sana magagandang alaala nalang ang shinare ko sayo., para mas marami pa ko maalala., mas maraming bagay na magpapangiti sa akin.,
pero sabay nun mas maraming sakit din ang mararamdaman ko., ganun nga talaga siguro yun.,mas maraming masasayang alaala mas maraming sakit na mararamdaman.,
kamusta ka na ba., kamusta na ang kaibigan ko.,masaya ka ba kung nasan ka ngayon??!!., andaya mo kase iniwan mo ko., ilang beses kong tinangkang sundan ka., kaso di mo yata ako hinahayaan sundan ka., hanggang sa sumuko na rin ako., kase alam ko mas masasaktan ka pag nangyari yun.,
minsan iniisip ko pano kung nag iba ang situasyon.,pano kung ako ang nandyan at ikaw ang nandito.,pero mas mabuti na rin na ganito., kase pag nagkataon mas masasaktan akong makita kang ganitong tulad ko ngayon., kaw ba ano bang nararamdaman mo kung nakikita mo kong ganito.,
seem like i can see you pouting again., ganyan ka naman kahit nung pa., sa twing i would ask you stupid silly questions eh ganyan reaksyon mo., namiss ko na yung mga araw na yun., mga panahon we would bully each other over simple silly things., the way you pout sa tuwing sumusobra na ang pang-aasar ko sayo., the way you smile sa mga maliliit na blessing na dumarating sa buhay mo., at kung pano ka umiyak sa mga araw na pagod ka na.,
yung mga araw na kahit kailan di na pwedeng maulit muli., kahit gano dasal ang gawin ko di na maaring matupad.,kahit hilingin ko pa ng paulit ulit kay God eh alam ko di nya ibibigay ang tanging hiling kong eto.,