![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
….pang ilang beses na ba., eto nanaman tayo., paulit ulit na lang., di ba nakakasawa na??.,
may papakilala ka., magseselos naman ako ng palihim., iiyak ka kase naghiwalay kayo., magtatanong ulit ang isip ko kung bakit di na lang ako., habang niyayakap at pinapatahan ka.,
ewan ko ba kung bakit ganito na lang lagi ang papel ko sa buhay mo., alam mo naman di ba nung pa na gusto at mahal na talaga kita., at alam ko naman noon pa kung bakit di pwede maging tayo., at kung bakit hanggang dito lang talaga ako sa buhay mo.,
minsan pag tinatanong nila ko kung bakit i prefering to be single., dahil ba umaasa pa rin ba akong maging tayo., lagi kong sinasabing hindi na., at alam ko na bff lang talaga tayo., pero sa totoo., meron pa rin isang strand of hope na sana nga mabago yung situation natin.,
hanggang ngayon sa tuwing naalala ko yung nakaraan., kung pano tayo nagkita hanggang sa kung pano naging ganito ang situation natin., eh nangingiti at napapaluha pa rin ako., hibang talaga ko sayo nun., eh hanggang ngayon pa rin naman di ba.,
ewan ko ba., change of environment ang gusto ko lang nung kaya lumipat ako ng work nun., na bored lang ako sa dati kong trabaho kaya ako lumipat sa inyo., pero ibang excitement ang natagpuan ko.,
ewan ko ba sa daming tao sa lugar na yun sayo lang talaga ako na aliw., lahat sila kinakausap ako., binabati., tinatanong., pero ikaw naka-upo ka lang., palihim na tumitingin., ma-ingay ang personality ko kaya siguro na-attract ako sayo kase total opposite yung personality mo sa akin.,
ang tanging bakanteng pwesto lang nun ay ang cubicle na nasa tabi mo., ewan ko ba kung bakit di mo pa rin ako kinausap., kahit umupo na ko sa tabi mo., ngumiti ka lang tapos balik sa ginagawa mo., ewan ko ba kung bakit lalo ako na curious sayo.,
kaw ang project officer ko at ako naman ang assistant mo., ewan ko ba kung bakit sa kinadami daming project officer sayo pa ko napunta., at sa kinadami daming assistant na maari mo i-request ako pa napili mo.,
sa simula puro trabaho lang ang pinag-uusapan natin., kase sabi ng ibang collegue natin eh ayaw mo raw pinag-uusapan buhay mo., di ka rin raw pala kwento., girlfriend??!!., syempre nung pa lang interesando na ko malaman., sabi nila wala raw., di ka man lang raw nagdadala ng kahit sino mula nung pumasok ka dito., pero may hinala na sila nun., hinala???!!., anu yun., inosenteng tanong ko., pero imbis na sagutin eh., ngumiti lang sila.,
habang tumatagal., feeling ko lalo ako lumalapit sayo., siguro nga simula na rin nahuhulog., ina-anticipate ko na lagi ang coffee date natin every morning., coffee date???!!., oo para sa akin pero alam ko na simple pag-inom lang ng kape yun sayo.,
yung totoo nung niyaya mo kong samahan ka sa family reunion nyo., super nag-effort ang lola mo., kulang na lang ikutin ko ang buong mall., yung totoo??!!!., inikot ko talaga para maghanap ng bonggang bonggang damit., aaminin ko nag feeling na talaga ko nung mga oras na yun., sino naman kase hindi., coffee dates., lunches at minsan dinner pa., and now metting the family ang drama.,
kahit sa pamilya mo ay malihim ka., super close ka sa mom at mga kapatid mong babae.,pero di rin talaga pala kwento., middle child kaya siguro raw ganyan personality mo., your father died when you were in high school., at ako lang raw ang sinama mong girl friend sa inyo., kahit alam ko two words ang girl friend na binangit nila ay single word ang prinoprocess ng utak ko., mula pa nun feelingera na ko.,
alam ko na mula nun moment na yun eh alam mo na., na lumalampas na sa friendship ang tingin ko sa iyo., sometimes i cross that boundary., at sa twing nangyayari yun na lumalabis ako eh lagi mo ko binabalik sa lugar ko., sa lugar na kung nasan ako ngayon.,
nung una aaminin ko., di ko maintindihan., bakit ba ayaw mo i-cross natin yun line., di mo ba ako gusto???!!., kung hindi eh bakit di mo nalang ako palayuin sayo., be rude to me., bakit sobrang bait mo pa rin sa akin., yung totoo nakakagulo pa ng utak yang mga ngiti mo sa twing sinasabi ko nang pabiro na mahal kita., at sasagutin mo ko na loka loka talaga ko., siguro alam mo na di na biro yun tuwing sinasabi ko sayo yun.,
nung gabing nagpasundo ako sayo., dahil sa sobrang kalasingan., the night i really crossed the boundary and kissed you., aned you kissed me back., then stopped., sinabing di tama eto., di talaga kita maintindihan nun., anu ba talaga problem., bakit mo pinipigilan yun sarili mo., friendzoned lang ba talaga ko??!!., we pretended that night never happen., siguro dahil akala mo lasing lang ako at di naalala yun.,
pero dumating na yung araw na masasagot yun mga tanung ko., yung araw na minsan ni-reregret kong nangyari., na sana di na lang.,
pinakilala mo sya sa akin., pinakilala mo yung ikaw na di kilala ng iba., yung ikaw na tinatago mo sa iba., na kahit sa pamilya mo di mo kayang sabihin., dahil natakot kang baka di ka nila tanggapin., ewan ko ba sabi mo you wanted to be honest to me., pero feeling ko kaya mo ginawa yun dahil you want me to stop., i hated myself dahil di ko nakita yung totoong ikaw., bakit ba di ko nakita., dahil ba mahal kita kaya nineglect ko yung obvious., anu na ang gagawin ko ngayon., daming tanung sa utak ko., na wala na kong magawa kungdi iiyak na lang.,
bawat sabihin mo sinasagot ng utak ko at niluluha na lang ng mga mata ko., pero bakit di ko masabi sayo.,
ayaw mo kong saktan???!!., gusto mo lang maging totoo??!!!., pero bakit nasasaktan ako., bakit ngayon mo lang sinabi., bakit hinayaan mong mahulog ako ng ganito sayo., matagal mo na balak sabihin??!!., ayaw mo ko mawala sayo., bakit sa tingin mo di ako mawawala sayo ngayon., ano mahal mo ko pero di sa level na gusto ko??!!!., anung gusto mong isagot ko., anung gusto mong gawin ko., anung gagawin ko ngayon.,
nung mga oras na yun binalak ko na talagang lumayo., iwan ka., sobrang sakit., di ko maintindian ang nararadaman ko., umalis sa lugar na yun., pero aaminin ko nung nakita kong pilit mong pinipigilan ang pagpatak ng mga luha mo., yung lungkot sa mga mata mo., na parang sinasabi wag kitang iwan., intindihin kita., mas umibabaw ang pagmamahal ko sayo kaysa sa galit na nararamdaman ko., wala na kong ibang nagawa kung di yakapin ka., na para bang sinasabi ko., oo di ako aalis dito lang ako., di kita iiwan., di ako lalayo., iitindihin kita., na-iintindihan kita.,
siguro mula nung araw na yun tinaggap ko na ang papel na kaya mo lang i-offer sa akin., yung papel na hanggang ngayon ay ginagampanan ko pa rin., ang maging matalik mong kaibigan., nakikinig sa mga kwento mo., kahati sa saya at lungkot mo., konsintidor sa mga desisyon at relasyon mo., na minsan at kahit hanggan ngayon pangarap kong maging parte.,
anu nanaman ba ang ngayari., wala na kayo???!!., pinagpalit ka na ba nya sa iba., di mo raw ba kaya ibigay yung hinahanap nya., niloko ka ba nya., nakahanap ba sya ng mas higit sayo., alin dun ang dahilan., alin nanaman ba dun ang dahilan??!!.,
sa twing ganyan ka mas nasasaktan ako., kase alam mo naman kaya kitang mahalin higit pa sa kaya nila ibigay sayo., pero alam ko di mo kayang tangapin yun., at hindi yung ang mapapasaya sayo.,
nagagalit ako sa kanila kase binabalewala ka nila., nagagalit ako sayo kase binabale wala mo ko., pero mas nagagalit ako sa sarili ko kase hinahayaan ko ang sarili ko mapunta sa ganitong situation.,
“bakit ikaw mahal mo ko, bakit sila di nila ko kayang pahalagahan tulad ng pagpapahalaga mo sa akin.,” mga salitang sinabi mo habang humihikbi.,
“yan din ang tanung ko sayo., alam mo naman pala na mahal kita pero bakit ba di pwede maging ako., ako na lang., pwede naman”., mga salitang sinasabi ng puso ko habang maluhaluha kitang niyayakap.,